<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2808032649895416250?origin\x3dhttp://ronjie-fwd.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

FWD 2.0

Joke time ! (FWD by CMV)
Monday, September 7, 2009

Pinoy Joke Update:

BABAE: Doc, kumusta na ang asawa ko?
DOC: Sorry ma'am. Mula ngayon, ikaw na ang magpapakain at magpapaligo
sa kanya, kasi putol na ang kanyang mga kamay at paa.
BABAE: Hah?! Hindi nga?!
DOC: Hehehe! Ninerbyos ka ano? Joke lang! Patay na sya!

AMO: Inday, titira dito ang biyenan ko ng 3 buwan. Ito ang listahan ng
mga favorite nyang pagkain.
MAID: Opo, sir.
AMO: Kapag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!

MRS: Naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?
MR: Oo naman.
MRS: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?
MR: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.

JUAN: Inay, si Pedro, hindi ako pinagkape sa burol ng tatay nya.
NANAY: Hayaan mo anak, kapag namatay ang tatay mo, hindi rin natin
sya pagkakapehin.

SON: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!
DAD: Bakit?
SON: Hinalikan ko po ang seatmate ko.
DAD: Tong anak ko, manang mana. Hehehe. Eh, masarap ba?
SON: Opo, pogi po sya eh.

HUSBAND: When I get mad at you, you never fight back. How do you
control your anger?
WIFE: I clean the toilet bowl.
HUSBAND: How does that help?
WIFE: I use your toothbrush.

BINATA: Ale, liligawan ko po ang anak nyo.
ALE: Huwag muna. Nag-aaral pa sya.
BINATA: Sige po, kapag uwian na lang nila.

LASHENG: Hoy! Sinong matapang?! Labas!
LALAKE: Ako! Bakit? Lalaban ka?!
LASING: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay, natatakot ako kay misis eh.

TATAY: Asensado na talaga ang anak natin sa US . Ito, nagpadala ng
picture, nakasandal sa kotse. Basahin mo nga ang nakasulat sa likod.
NANAY: Inay, nagpapasalamat ako, kasi, kung hindi dahil sa kotse na
ito, natumba na ako sa sobrang gutom.

HUSBAND: Hindi ako makatulog, lagi kong naiisip ang utang ko kay pare
na dalawang milyong piso.
WIFE: Tawagan mo si pare, sabihin mo, hindi ka makakabayad para sya
naman ang hindi makatulog.

FRAT LEADER: Balita ko, gay ka?!
MEMBER: Hindi ako bakla! Chismax lang yun ng mga chuvanes na walang
magawa sa mga chenelyn nila! Mga chaka ever! Me, Baklush? Haller?!

BITOY: Dagul, bakit ang pandak mo?
DAGUL: Kasi, bata pa lang ako, ulila na ako.
BITOY: Anong kaugnayan nun sa pagiging pandak mo?
DAGUL: Sira pala ulo mo! Wala ngang nagpalaki sa akin!

JUAN: Pedro, nasaksak ako! Walang hinto ang tagas ng dugo. Please,
call me a nurse. Call me a nurse, bilis!
PEDRO: Sige, you're a nurse! Nurse ka Juan! You're a nurse! Nurse kah!

Labels:

posted by ronjiedotcom @ 1:31 AM,




0 Comments:

Post a Comment

<< Home

--------------------------------------------------------------