<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2808032649895416250?origin\x3dhttp://ronjie-fwd.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

FWD 2.0

Ang mangkok na kahoy (FWD by RV)
Friday, April 17, 2009

(Hango sa Pilipino Star Ngayon ni Jarius Bondoc, Oktobre 3, 2008)

Nakukuba na si itay sa katandaan ng makitira sa anak, manugang na babae, at edad- 4 na apo. Nanginginig ang kamay, nanlalabo ang paningin, nangangalog sa paglakad.

Hirap ang matanda kumain dahil sa nginig ng kamay at labo ng mata. Nalalaglag ang kanin sa sahig, natatapon ang inumin sa mantel.

Di nagtagal, naubos ang pasensiya ng anak at manugang na babae sa kalat sa kainan. "Dapat gawan ng paraan si itay, "anila,"di na namin kaya ang natatapong inumin, maingay na pagkain at kalat sa sahig."

Naglagay ang mag-asawa ng maliit na mesita sa sulok. Doon mag-isang kumakain ang matanda, habang nasa hapag kainan ang mag-anak. At dahil nakabasag na siya ng ilang plato, inilalagay ang pagkain niya sa isang mangkok na kahoy.

Paminsan-minsan nililingon ng mag-anak si Tanda, at paminsan-minsan din ay may luhang namumuo sa gilid ng mata niya. Gayunpaman, ang maririnig lang mula sa mag-asawa ay maaanghang na salita tuwing malalaglag niya ang kutsara o makakalat ang pagkain.

Ang lahat ng ito ay tahimik lang na pinagmamasdan ng edad-4 na bata. Isang dapithapon, bago maghapunan, napansin ng ama ang bata na may pinaglalaruang retaso ng kahoy sa sahig. " Anong ginagawa mo?" malambing niyang inusisa ang bata. At buong lambing itong tumugon: "Gumagawa po ako ng maliit na mangkok na kahoy para pakakainan ninyo ni Mama sa sulok kapag malaki na ako." Ang laki ng ngiti ng bata habang itinutuloy ang ginagawa.

Parang batong tumama sa ulo ng mga magulang ang salita ng bata. Hindi sila nakakibo. Dumaloy lang ang luha sa kanilang pisngi. Wala ng usapan, pero batid na nila ang dapat gawin.

Nang maghahapunan na, inakay ng mag-asawa si Itay pabalik sa hapag- kainan. Sa lahat ng nalabing araw niya, doon na siya muli kumain, kasabay ng pamilya. at hindi na muli umangal ang mag-asawa tungkol sa kutsara, natatapon na inumin o nakakalat na mumo sa sahig.

Labels: ,

posted by ronjiedotcom @ 12:27 AM,




0 Comments:

Post a Comment

<< Home

--------------------------------------------------------------